Podcasts by Category

Barangay Love Stories

Barangay Love Stories

Barangay LS 97.1 Forever! | GMA Network

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito.

308 - Episode 254: "Babawiin"
0:00 / 0:00
1x
  • 308 - Episode 254: "Babawiin"

    Bata pa lamang si Yana ay alam na niya na isa siyang ampon. Ngunit kahit na ganon ay hindi kailanman nabawasan ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya ng kanyang nanay Elena. At sa pagbabalik nga ng totoong ina ni Yana, kahit ayaw niyang sumama sa inang nagluwal sa kanya, pinilit siya ng kanyang nanay Elena para mabigyan sila ng chance na makilala ang isa't-isa. Pakinggan ang kwento ni Yana sa Barangay Love Stories.

    Mon, 10 Jan 2022
  • 307 - Episode 253: "Tahanan"

    Nang biglang umuwi ang papa ni Geraldine galing abroad, hindi niya alam ang gagawin niya sa tuwang kanyang nadarama. Pero ang permanenteng pag-uwi pala nito ay dahil nakonsensya siya sa kasalanang nagawa niya sa kanyang mag-ina habang nagtatrabaho siya sa malayo. Mahirap magpatawad at lalong mas mahirap para kay Geraldine na makitang mawasak ang munting pamilyang kanyang iniingatan at inaasam-asam noong simula pa nang siya ay magkamuwang. Pakinggan ang kwento ni Geraldine sa Barangay Love Stories.

    Mon, 27 Dec 2021
  • 306 - Episode 252: "Mapusok"

    Matagal nang gusto ng NBSB na si Vina na magkaroon ng boyfriend. Kaya nang mapansin siya ng kanyang crush na si Justin, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at siya na ang nanligaw. Ngunit hindi dito pabor ang kanyang pinsan/bff na si Althea dahil sa usap-usapang manyak at chickboy daw si Justin. Sa kabila nito, walang nakapigil kay Vina na habulin ang akala niyang 'the one' para sa kanya. Hanggang sa wakas ay natupad nga ang panalangin ni Vina na maging kasintahan si Justin. Pakinggan ang kwento ni Vina sa Barangay Love Stories.

    Mon, 20 Dec 2021
  • 305 - Episode 251: "Pinagkatiwala"

    Simula nang bumaba ang grades ni Jackie sa school, akala ng kanyang mommy ay kailangan niya ng gabay ng isang ama. Kaya naman inilapit niya si Jackie kay Brother Kelvin, ang Pastor ng kanilang simbahan, sa pag-aakalang matutulungan nito ang dalaga. Paano kung ipagkatiwala ka ng iyong ina sa taong may balak pala na masama sa iyo? Pakinggan ang kwento ni Jackie sa Barangay Love Stories.

    Mon, 13 Dec 2021
  • 304 - Episode 250: "Pag-Asa"

    Wala nang hihigit pa sa pagkakaroon ng isang masaya at buong pamilya, ganyan ang nasa isip ni Hannah. Kaya nang mawala ang kanyang mama, malaki ang naging epekto nito sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang ama. Hanggang sa magkawatak-watak na nga sila nang ibahay ng kanyang ama ang bago nitong girlfriend. Nang bumukod si Hannah, akala niya doon na magtatapos ang masasakit na pangyayari sa buhay niya dahil nakilala niya na ang lalaking nagpakita at nagparamdam sa kanya ng pag-ibig, pero nagkakamali siya. Nagsisimula palang pala ang tadhana. Pakinggan ang kwento ni Hannah sa Barangay Love Stories.

    Wed, 08 Dec 2021
Show More Episodes