Filtrar por género
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito.
- 432 - Episode 375: "Pagmamahal at Responsibilidad"
May mga bagay na kaya mong palampasin kapag gumawa ng mali ang kapatid mo. Pero kapag sa iba na niya ito ginawa, kahit papaano may responsibilidad kang pagsabihan ito. Mahal na mahal ni Wendel ang nag-iisa niyang kapatid, bilang kuya kaya niyang magsakripisyo para kay Darwin. Pero hinding-hindi kukunsintihin ni Wendel ang panlolokong ginagawa ni Darwin sa sarili nitong girlfriend. Pakinggan ang kwento ni Wendel sa Barangay Love Stories.
Mon, 22 Apr 2024 - 59min - 431 - Episode 374: "Intensyon"Mon, 15 Apr 2024 - 1h 02min
- 430 - Episode 373: "Isang Bakod"
Ilang buwan nang hindi nakakabayad sa upa si Arthur kaya halos araw-arawin ni Ms. Connie ang paniningil. Hindi naman pasaway na tenant si Arthur, mahirap lang talaga ang buhay dahil pandemic. Kaya nang may dumating na bagong uupa, malaking ginhawa ang naramdaman ni Ms. Connie. Ang hindi alam ni Arthur, isang malaking ginhawa rin iyun para sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Arthur sa Barangay Love Stories.
Mon, 08 Apr 2024 - 1h 01min - 429 - Episode 372: "User-Friendly"Mon, 01 Apr 2024 - 46min
- 428 - BLS Special: "The Estrella Story" (Full)
Dalawang sugatang puso, tuturuan ang isa't-isa na umibig muli. Pero sapat ba ang kanilang mga oras o kailangan nang magmadali? Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories. Episode 368: "Mahal Kong Buwan" Episode 369: "Aking Araw" Episode 370: "Pinagtagpong Bituin" Episode 371: "Kalangitan"
Fri, 29 Mar 2024 - 3h 35min - 427 - BLS Special: "The Blessy Story" (Full)
Tatlong pagkakataon sa tatlong iba-ibang panahon, coincidence nga lang ba o may ipinahihiwatig ang tadhana? Sa isang bus terminal unang nakilala ni Blessy si Archie, isang pagkikita na akala niya ay hindi na masusundan pa. Pero mas lalong hindi niya inasahan na mahuhulog ang damdamin niya sa binata. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories. Episode 360: "Invisible String" Episode 361: "Chance Encounter" Episode 362: "Falling Apart" Episode 363: "Together Again"
Thu, 28 Mar 2024 - 3h 52min - 426 - Episode 371: "Kalangitan"
Bilang apo ni Sol at Luna, malaki ang pagmamahal ni Estrella sa kanyang lolo at lola dahil sila rin ang tumayong magulang niya nang nawalan siya ng magulang. Kaya sinikap niya talagang maging isang nurse upang pagdating ng panahon, siya naman ang mag-alaga sa kanyang labs na labs na lolo Sol at lola Luna. At sana may panahon pa para doon. Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.
Mon, 25 Mar 2024 - 56min - 425 - Episode 370: "Pinagtagpong Bituin"Mon, 18 Mar 2024 - 54min
- 424 - Episode 369: "Aking Araw"
Bihira lang makahanap ng kaibigang totoo na sasamahan ka sa kahit anong hamon ng buhay. Kaya nang magkagusto si Luna at Patricia sa iisang lalaki, hindi nagdalawang-isip si Luna na magpaubaya. Dahil para kay Luna, mas mahalaga ang pagkakaibigan nila ni Patricia kaysa sa nararamdaman niya para sa binata. Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.
Mon, 11 Mar 2024 - 53min - 423 - Episode 368: "Mahal Kong Buwan"
Ang mayayaman ay ginawa raw para sa kapwa nila mayayaman. Kaya ang mga hikahos na tulad ni Sol ay hinding-hindi makakapiling ang mga kagaya ni Belen - ang babaeng matagal na niyang gusto. Pero kung kailan desidido na si Sol na kalimutan ang dalaga, ay saka niya naman malalaman na mukhang may pag-asa pa pala siya! Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.
Mon, 04 Mar 2024 - 56min - 422 - Episode 367: "Star Quality"
Isang pangyayaring masakit sa tiyan ang magtutulak kay Angel or Angelito na magpanggap bilang isang beki. Dito niya makikilala ang future muse niyang si Star na verbally abused ng jowa. Kaya si Angel, makeover ang goal para sa alipin-ng-pag-ibig na si Star. Pakinggan ang kwento ni Angel sa Barangay Love Stories.
Mon, 26 Feb 2024 - 1h 02min - 421 - Episode 366: "Delivery Booth"
Sa una lang masaya ang isang relasyon. Ganyan ang pakiramdam ni Yuri dahil ang kanyang boyfriend na si Aries, iba na ang kinikilos tuwing magkasama sila. At ang mas masakit pa, mukhang may iba nang nagpapakilig at nagpapasaya kay Aries kahit sila pa ni Yuri. Pakinggan ang kwento ni Yuri sa Barangay Love Stories.
Mon, 19 Feb 2024 - 59min - 420 - Episode 365: "Magpakatotoo"
Upang mabawasan ang malaking bayarin ni Demi sa kanyang inuupan, naghanap siya ng uupa rin sa kanyang extra room. Dahil diyan, naging housemate niya ang happy and jolly na si Lucky. Mabilis niya itong naging kaibigan at katuwang sa bahay. Hanggang sa kinailangan ni Lucky ng ipapakilalang girlfriend sa kanyang pamilya kaya ito namang si Demi, kusang-loob na inoffer ang sarili. Pakinggan ang kwento ni Demi sa Barangay Love Stories.
Mon, 12 Feb 2024 - 1h 04min - 419 - Episode 364: "Toyo"
Alam ng buong barangay na gusto ni Kano si Jelay. Pero alam din ng lahat na ayaw ng dalaga kay Kano. Nang minsang makulitan si Jelay kay Kano, pinayagan niya itong manligaw kapalit ng maraming kondisyon. Ngunit hindi inaasahan ni Jelay na gagalingan ni Kano ang pagtupad sa mga kondisyong kanyang binigay. Pakinggan ang kwento ni Jelay sa Barangay Love Stories.
Mon, 05 Feb 2024 - 1h 03min - 418 - Episode 363: "Together Again"
May mga ginawang desisyon si Blessy na lubos niyang pinagsisisihan. Pero kahit gaano pa siya magsisi ay hindi na niya mababalik ang panahon. Mabuti na lamang ay hindi siya iniwan ng mga mahal niya sa buhay pati na ng best friend niyang si Jessa. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.
Mon, 29 Jan 2024 - 1h 00min - 417 - Episode 362: "Falling Apart"
Lahat ng relasyon ay dumaraan sa mabigat na pagsubok pero paano kung ayaw na ni Blessy ng karamay sa kanyang pinagdaraanan? Walang makakaalam sa sakit na nararamdaman ng isang ina kapag nawala ang kanyang anak ngunit imbes na magdamayan ay mas pinili ni Blessy na lumayo sa lahat pati sa asawa niyang si Archie. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.
Mon, 22 Jan 2024 - 1h 00min - 416 - Episode 361: "Chance Encounter"
Kailangan ba talaga ng bagong mamahalin para makalimot? Hindi nagawang makapagtapat ni Blessy sa taong iniibig niya at ngayong nagmo-move on na siya, gusto na siyang ireto ng BFF niya sa iba para umusbong na raw ang love life ni Blessy nang bigla naman siyang makita ulit ni Archie. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.
Mon, 15 Jan 2024 - 59min - 415 - Episode 360: "Invisible String"
Tatlong pagkakataon sa tatlong iba-ibang panahon, coincidence nga lang ba o may ipinahihiwatig ang tadhana? Sa isang bus terminal unang nakilala ni Blessy si Archie, isang pagkikita na akala niya ay hindi na masusundan pa. Pero mas lalong hindi niya inasahan na mahuhulog ang damdamin niya sa binata. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.
Mon, 08 Jan 2024 - 58min - 414 - Episode 359: "Wagas na Pag-ibig"
From childhood best friends, to childhood sweethearts, hanggang sa naging official na nga ang relasyon nina Eddie at Clara. Walang ibang gustong mangyari si Eddie kun'di ang pakasalan at tumandang kasama ng kanyang greatest love na si Clara. Pero kahit gustuhin rin ito ni Clara, iba ang plano ng tadhana. Pakinggan ang kwento ni Eddie sa Barangay Love Stories.
Tue, 02 Jan 2024 - 48min - 413 - Episode 358: "Saging ni Santa"
Walang hanggan ang pagmamahal ni Ernesto, isang single father, sa kanyang mga anak na babae. At tulad ng ibang magulang, kailangan niya pa rin itong disiplinahin upang hindi sila maligaw ng landas. Pero sa pagtibok muli ng kanyang puso, mukhang ito pa ang makakasira ng relasyon nilang mag-aama. Pakinggan ang kwento ni Ernesto sa Barangay Love Stories.
Mon, 25 Dec 2023 - 1h 01min - 412 - Episode 357: "Ngiti"
May isang magandang pamilya si Angelika kasama ng kanyang mga magulang. Pero nang nahirapan siyang maka-move on sa pagkawala ng kanyang ama, gimik ang naging solusyon niya at si Edsel ang nagi niyang takbuhan. Pero sa paglabo ng kanilang buhay mag-asawa, nakahanap ng bagong takbuhan si Angelika. Pakinggan ang kwento ni Angelika sa Barangay Love Stories.
Mon, 18 Dec 2023 - 1h 00min - 411 - Episode 356: "Repeat"
Ang tunay raw na kaibigan, kayang isakripisyo ang sariling buhay para sa kanyang kaibigan. Parang si Tonton lang na pinaubaya na ang sarili niyang kasiyahan pati ang buhay na rin upang matulungan ang best friend niyang si Darling na basta na lamang iniwan ng boyfriend nito kahit buntis. Pakinggan ang kwento ni Tonton sa Barangay Love Stories.
Mon, 11 Dec 2023 - 56min - 410 - Episode 355: "Mukbang sa Lamay"
Mahirap ang buhay at dahil sobrang hirap talaga nito para sa magkakaibigang sina Onyok, Pong, at Natoy...burol ang hanap nila para makakain nang libre at minsan, may take-home pa! Pero hindi lang pagkain sa lamay ang naiuuwi nila dahil si Onyok mukhang dinidikitan din ng mga patay na pinaglalamayan nila. Pakinggan ang kwento ni Onyok sa Barangay Love Stories.
Mon, 04 Dec 2023 - 1h 18min - 409 - Barangay Love Stories: Best of 2023Wed, 29 Nov 2023 - 5h 25min
- 408 - Episode 354: "Walang Maitatago"
Ang stepsister ni Des na si Weng, plinano ang pang-aagaw sa buhay na meron si Des. Walang kaala-alam si Des na may masamang balak pala sa kanya ang bago niyang kapatid. Kaya itong si Des, tuloy-tuloy ang pagkahulog sa mga patibong na gawa ni Weng. Pakinggan ang kwento ni Des sa Barangay Love Stories.
Mon, 27 Nov 2023 - 1h 01min - 407 - Episode 353: "Dugtong ng Kaputol"
Buo nga ang pamilya ni Deo pero malupit naman ang asawa niya sa kanilang anak. Kaya si Eli, sa ibang pamilya nakahanap ng pagmamahal. Suportado naman ni Deo ang kanyang anak pero ang pamilyang napalapit sa kanila nang lubos ay may mas malalim pa palang koneksyon sa pamilya nila. Pakinggan ang kwento ni Deo sa Barangay Love Stories.
Mon, 20 Nov 2023 - 1h 01min - 406 - Episode 352: "Aliw
Hindi lahat ay pinapalad na lumaki sa isang payapa at maayos na pamilya. Bata palang ay saksi na si Amos sa bangayan ng kanyang ina at ama. Kaya sa pagtanda niya, yosi at alak ang naging takbuhan ni Amos para makalimot sa mga problema. Kaso hindi lang pala siya ang mapapahamak ng mahal-na-mahal niyang bisyo. Pakinggan ang kwento ni Amos sa Barangay Love Stories.
Mon, 13 Nov 2023 - 1h 15min - 405 - Episode 351: "Perfect Combination"
Masaya nang unang makilala ni Emong at ng kanyang nanay-nanayan na si aleng Lelay ang bagong tindero na si mang Marty. Habang tumatagal, parang tatay na nga rin ang naging turing ni Emong kay mang Marty hanggang sa biglang nagbago ang pakikitungo ni nanay Lelay sa kanyang tatay Marty dahil daw sa selos. Pakinggan ang kwento ni Emong sa Barangay Love Stories.
Mon, 06 Nov 2023 - 58min - 404 - Episode 350: "Roleplay"Mon, 30 Oct 2023 - 56min
- 403 - Episode 349: "Regalo"
Masakit mabigo sa pag-ibig pero sinubukan pa rin ni Riyan na bigyan ng second chance ang sarili niyang magmahal muli at mahalin din ni Aries. Pero takot talaga si Riyan na maiwan ulit lalo pa't hindi niya masabi-sabi kay Aries na hirap siyang makabuo ng bata. Pakinggan ang kwento ni Riyan sa Barangay Love Stories.
Mon, 23 Oct 2023 - 1h 14min - 402 - Episode 348: "Unit 505"
Minsan sa sobrang kasabikan mong makahanap ng kasiyahan, sa maling tao ka tuloy napupunta. Nang unang makita ni Doniel si Iya, talagang nabighani siya sa dalaga. Masaya si Doniel dahil sinusuklian ni Iya ang panlalandi niya pero si Iya, mukhang ayaw seryosohin ang relasyon nila. Pakinggan ang kwento ni Doniel sa Barangay Love Stories.
Mon, 16 Oct 2023 - 57min - 401 - Episode 347: "Dahil sa Takot"Mon, 09 Oct 2023 - 52min
- 400 - Episode 346: "Pizza"
Ang tamad kahit asawahin ng masipag ay hindi magbabago kung wala talaga itong plano. Matapos magkaanak ni Biboy sa kanyang nobya, hindi pa rin nagamot ang sakit niyang katamaran. Buti na lang ay talagang mahal siya ni Libbie kaya kahit hirap na hirap magtrabaho ay patuloy na kumakayod si Libie para sa munti nilang pamilya. Pero ang pagmamahal ni Libbie ay masusubukan nang makahanap ng iba si Biboy. Pakinggan ang kwento ni Biboy sa Barangay Love Stories.
Mon, 02 Oct 2023 - 1h 11min - 399 - Episode 345: "Paurong"
Araw-araw nag-aaway at nananakit kapag lasing, ganyan ang mga magulang ni Chona. Hanggang sa nakipagtanan sa iba ang kanyang ina. Ang dati nilang wasak na pamilya ay gumuho na nga. Wala namang ibang hiling si Chona kun'di ang magkaroon ng mapayapa at maayos na kinabukasan ang kanyang nakababatang kapatid pero mahirap ata iyun dahil nag-uwi ng bagong 'nanay' ang kanilang ama. Pakinggan ang kwento ni Chona sa Barangay Love Stories.
Mon, 25 Sep 2023 - 1h 06min - 398 - Episode 344: "Awit ng Pag-Ibig"
Matagal nang gusto ni Bogs na makaahon sa buhay. Simula nang maulila siya, sa musika at busking siya kumapit. Kaya nang may lumapit sa kanya at sinabing gustong maging manager niya, nasilaw si Bogs sa magagandang posibilidad na pwedeng makamit niya. Naniwala siya sa mga salita ng taong first time niya pa lang makilala. Pakinggan ang kwento ni Bogs sa Barangay Love Stories.
Mon, 18 Sep 2023 - 1h 00min - 397 - Episode 343: "Ebidensiya"
Matagal-tagal din ang panahon na hinintay ni Abraham upang mapagbigyan ang sarili niyang kaligayahan. Hindi rin naging madali ang paghahanap niya ng pag-ibig pero tinulungan pa rin siya ng langit nang muli niyang makita ang high school crush niyang si Shane. Nauwi rin sa proposal ang kanilang pagsasama ngunit kung kailan malapit na ang kanilang kasal, saka naman sila pilit sinisira ng taong close sa kanilang dalawa. Pakinggan ang kwento ni Abraham sa Barangay Love Stories.
Mon, 11 Sep 2023 - 56min - 396 - Episode 342: "Gitnang Silangan"
Mahirap mamuhay mag-isa at mas mahirap 'yan kung may mga anak ka na at wala pang katuwang. Buti na lang kahit maagang nagkapamilya si May, tinanggap pa rin siya ng kanyang lolo't lola. At habang naghahanap ng work si May, nahanap naman siya ng pag-ibig - pero mas matanda nga lang sa kanya. Pakinggan ang kwento ni May sa Barangay Love Stories.
Mon, 04 Sep 2023 - 57min - 395 - Episode 341: "Tunay na Babae"
Maraming mag-asawa ang gusto ng sariling anak, isa na diyan sina Tere at Rowell. Pero nang hindi sila mabiyayaan ng sanggol, nag-decide silang magpatingin na nga sa doktor. Nang malaman ni Rowell na siya pala ang may problema, halos hindi niya ito matanggap hanggang sa mauwi siya sa isang napakabigat na desisyon na pati si Tere ay mahihirapang dalhin. Pakinggan ang kwento ni Tere sa Barangay Love Stories.
Mon, 28 Aug 2023 - 1h 08min - 394 - Episode 340: "Makapiling Ka"
Isang desisyon ang pagmamahal. Hindi ito magtatagal kung ibabase lang ito sa pakiramdam. Nang hindi na muling magparamdam ang first love ni Israel, matapos ang maraming taon ay nag-decide siyang pakawalan na ito at ibaling ang atensyon niya sa taong matagal na siyang gusto. 'Di kalaunan'y, natutunan niya ring mahalin si Rose at nakabuo sila ng isang simple at masayang pamilya. Pakinggan ang kwento ni Israel sa Barangay Love Stories.
Mon, 21 Aug 2023 - 54min - 393 - Episode 339: "Timbang"
Ang pag-aampon ay hindi dapat sapilitan dahil sa huli ang bata lang ang mahihirapan. Lumaki si Kate sa pamilyang hindi pala sa kanya ngunit sa kabila nito wala siyang ibang hinangad kun'di ang mahalin din siya ng mama at ate Sharon niya katulad ng pagmamahal ng mag-ina sa isa't-isa. Pakinggan ang kwento ni Kate sa Barangay Love Stories.
Mon, 14 Aug 2023 - 1h 02min - 392 - Episode 338: "Takwil"Tue, 08 Aug 2023 - 1h 04min
- 391 - Episode 337: "Daddy Drag Queen"
Simula nang malaman ni Chano na siya ay may pusong babae, suportado na siya ng kanyang pamilya. At kahit pa naging tampulan siya ng tukso sa paaralan at kanilang lugar, lumaki naman siya sa isang mapagmahal na tahanan. Pero naging mas challenging pa ang buhay niya nang mag-decide siyang maging tatay ng anak ng BFF niyang si Rina. Pakinggan ang kwento ni Chano sa Barangay Love Stories.
Mon, 31 Jul 2023 - 52min - 390 - Episode 336: "Hindi pa Huli"Mon, 24 Jul 2023 - 57min
- 389 - Episode 335: "Acceptance is the Key"
Sa loob ng labindalawang taong, hindi raw nagloko ni nagsinungaling si Jace sa relasyon nila ni Berlyn. Pero paano tatanggapin ni Berlyn ang batang bunga ng pagkalasing ng kanyang soon-to-be husband na si Jace habang nagtatrabaho ito sa ibang bansa. Pakinggan ang kwento ni Berlyn sa Barangay Love Stories.
Mon, 17 Jul 2023 - 1h 10min - 388 - Episode 334: "Hanggang sa Muli"
Hindi raw pwedeng pagsabayin ang career at love life. Pero kung oo, siguradong mahihirapan ang isa maliban na lang kung malawak ang understanding ng partner mo. Katulad ni Noemi na sobra kung sumuporta sa pangarap ni Harvey habang sinusuportahan din ang sarili niyang mga pangarap. Pero paano pa tutulong si Noemi kung si Harvey mismo ay panghihinaan ng loob. Pakinggan ang kwento ni Harvey sa Barangay Love Stories.
Mon, 10 Jul 2023 - 1h 01min - 387 - Episode 333: "Pensyonadong Pulpol"
Mahirap maulila nang maaga at mahirap din kung maipagkatiwala ka sa taong walang ibang ginawa kun'di ang ipaalala sa iyo na isa kang pabigat. Ganyan ang naging buhay ni Aira sa piling ng kanyang tiyahin. Buti na lang at nakilala niya si TJ, ang taong magiging karamay niya sa lupit ng buhay. Pakinggan ang kwento ni Aira sa Barangay Love Stories.
Mon, 03 Jul 2023 - 1h 01min - 386 - Episode 332: "Huling Tibok"
Pagdating sa pag-ibig, mas gusto ng iba 'yung tipong sa simula pa lang ay may spark na. Katulad ni Laine, kahit matagal nang gusto manligaw ni Manuel - isang mabait, matipuno, mapagkakatiwalaan na lalaki, at financially stable pa, ay never itong binigyan ng chance ni Laine. Pakinggan ang kwento ni Laine sa Barangay Love Stories.
Fri, 30 Jun 2023 - 1h 04min - 385 - Episode 331: "Instant Noodles"Mon, 19 Jun 2023 - 1h 28min
- 384 - Episode 330: "Identity"
Minsan, nakakakilig isipin na may taong nagkakagusto sa iyo. Pero hindi ganun ang pakiramdam ni Arjo. Focused lang sa pag-aaral ang binata kaya kahit na araw-araw siyang kinukulit ni Arlene, mas gusto niyang iwasan ang dalaga. Pero mahirap layuan ang isang obsessed na taong katulad ni Arlene na may stalker vibe pa. Pakinggan ang kwento ni Arjo sa Barangay Love Stories.
Tue, 13 Jun 2023 - 58min - 383 - Episode 329: "Right Time"Mon, 05 Jun 2023 - 1h 21min
- 382 - Episode 328: "Best Man"
Hindi madali ang maghintay pero para makasigurado, pinili ni Stacy at Liam na mas kilalanin pa ang isa't-isa upang hindi nila pagsisihan ang pagpapakasal. Totoong sweet ang mga secret proposals, pero minsan naipapahamak nito ang ibang tao. Pakinggan ang kwento ni Stacy at Regie sa Barangay Love Stories.
Mon, 29 May 2023 - 55min - 381 - Episode 327: "Ehemplo"Mon, 22 May 2023 - 1h 00min
- 380 - Episode 326: "Walang Bola"
May mga taong umiibig nang maaga at may iba naman na sa huli na ito nakikita. Hindi takot umibig si Prince pero matapos ang maraming break-ups, na-realize niya na kailangang paghandaan nang maigi ang pakikipagrelasyon lalo na nang malaman niyang gusto pala siya ng kaibigan niya. Pakinggan ang kwento ni Prince sa Barangay Love Stories.
Mon, 15 May 2023 - 51min - 379 - Episode 325: "Karnal"
Normal na magkaroon ng tukso sa mundo pero ibang usapan na kapag bumigay ka rito. Katulad na lamang ni Angie na sobrang mahal ang kanyang asawa at anak ngunit bumigay pa rin sa tawag ng laman nang dahil sa pangungulila sa kanyang mister na isang seaman. Pakinggan ang kwento ni Angie sa Barangay Love Stories.
Mon, 08 May 2023 - 1h 01min - 378 - Episode 324: "Salamat, Ate"
Likas sa magulang na alagaan ang anak na kanilang dinala sa mundong ito. Pero may iba talaga na katulad ng nanay ni Rina at Raine na walang pake sa kanilang responsibilidad bilang magulang. Maagang namulat sa hirap ng buhay si Rina dahil siya ang tumayong nanay at tatay ng nakababatang kapatid na si Raine. Dahil kita niya ang hirap ni Rina, sinigurado rin ni Raine na hindi masasayang ang pagod ng kanyang ate. Pakinggan ang kwento ni Raine sa Barangay Love Stories.
Mon, 01 May 2023 - 1h 42min - 377 - Episode 323: "Ikalawang Tagpo"
Isang babae na nahulog sa tamang lalake, 'yan si Liza. At kahit hindi pa matagal ang kanilang pagsasama ay naibigay na ni Tim sa kanya ang lahat ng ikaliligaya na nararapat sa isang magiging kaisang-dibdib. Hindi dumaan sa kung anong mga balakid ang kanilang pagmamahalan pero ang perpekto nilang kaligayahan na nagsisimula pa lang ay biglang puputulin ng pagkakataon. Pakinggan ang kwento ni Liza sa Barangay Love Stories.
Mon, 24 Apr 2023 - 1h 03min - 376 - Episode 322: "Ipinagkasundo"
May mga magulang talaga na pinagkakasundo ang kanilang mga anak para masiguro ang maayos nilang pamumuhay. Katulad na lamang ni Aldrin at Charlotte na nais paglapitin ng mga parents nila. Pero imbes na ma-fall sa isa't-isa, nauwi sa pagiging mag-best friend ang dalawa. Pakinggan ang kwento ni Aldrin sa Barangay Love Stories.
Mon, 17 Apr 2023 - 55min - 375 - Episode 321: "Sagip"
Kahit na bawal, nakipagrelasyon pa rin si Jean sa taong hindi niya ka-religion. Mas pinili niya ang poging si Emman kaysa kay Julius na matagal na siyang mahal. Dahil sigurado daw si Jean na nagbago na ang babaerong si Emman at magpapa-convert ito sa religion nila para sa kanilang kasal. Pakinggan ang kwento ni Jean sa Barangay Love Stories.
Sat, 08 Apr 2023 - 40min - 374 - Episode 320: "Bahaghari"Fri, 07 Apr 2023 - 43min
- 373 - Episode 319: "Buo"
Kahit labis na nagmamahalan ang mag-asawang sina Bettina at Marcelito, hindi iyon sapat para makabuo sila ng anak. Hirap talaga ang mga babae sa pamilya ni Bettina na magkaanak. Pero hindi naman ito problema kay Marcelito dahil kung hindi man daw sila magka-anak, pwede naman silang mag-ampon. Pakinggan ang kwento ni Bettina sa Barangay Love Stories.
Thu, 06 Apr 2023 - 38min - 372 - Episode 318: "Cutie"
Lahat gusto ng buo, masaya, at maginhawang pamilya. Kaya naman kahit kapalit nito ang sariling kaligtasan ni Alross, mas pinili niyang manahimik kahit patuloy ang pang-aabuso sa kanya ng kanyang stepfather. At mas lalo pang lumalim ang hirap na nadarama niya nang pati ang kanyang sariling ina ay pinagdudahan siya. Pakinggan ang kwento ni Alross sa Barangay Love Stories.
Mon, 03 Apr 2023 - 55min - 371 - Episode 317: "Friendship"
Masarap magkaroon ng kaibigan lalo pa kung handa ka nitong ipaglaban sa lahat ng panahon. Pero pakiramdamdam ni Selina, naaalala lang siya ng bestfriend niyang si Tristan tuwing may problema ito. At kahit anong paalala ang ibigay niya kay Tristan, dahil paulit-ulit itong niloloko ng isang babae, ay ayaw nitong makinig. Sa huli, si Selina na naman ang dadamay sa brokenhearted na si Tristan. Pakinggan ang kwento ni Selina sa Barangay Love Stories.
Mon, 27 Mar 2023 - 1h 08min - 370 - Episode 316: "Hugas-Kamay"
Wala nga ba talagang choice ang iba kaya nasasaktan nila ang taong malapit sa kanila? Nang ligawan ni Radge ang kababata niyang si Mylene, hindi agad siya sinagot ng dalaga pero nagsisi si Mylene nang malaman niyang may nililigawan nang iba si Radge. Ngunit babalikan ng binata si Mylene nang malaman niyang nabuntis ito matapos itong mapagsamantalahan. Pakinggan ang kwento ni Mylene sa Barangay Love Stories.
Mon, 20 Mar 2023 - 1h 04min - 369 - Episode 315: "Hawak Kamay"
Isang ate na tumayong magulang sa kanyang nakababatang kapatid - 'yan si Jenna. Bumuo siya ng mga plano at sinuportahan lahat ng pangarap ni Jane. Wala siyang ibang hinangad kung hindi ang mapabuti ang buhay nito. Pero sa huli, may iba pa palang plano at pangarap si Jane at mukhang hindi siya doon kasama. Pakinggan ang kwento ni Jenna sa Barangay Love Stories.
Mon, 13 Mar 2023 - 1h 04min - 368 - Episode 314: "Pandesal"
Hindi lahat ng kumakatok ay dapat pinapapasok pero pwede silang pagbuksan ng pinto. Mas gusto ni Pedro mamuhay mag-isa, 'yung walang inaalala at iniisip na iba. Kahit pa umibig at nagkaroon din ng dalawang anak, tumanda pa rin mag-isa si Pedro. Kaya nang makilala niya si Ningning, may parte kay Pedro na nais niyang alagaan ang bata pero mas nangingibabaw ang takot niya. Pakinggan ang kwento ni Pedro sa Barangay Love Stories.
Mon, 06 Mar 2023 - 1h 04min - 367 - Episode 313: "Sangang-Daan"
Hindi madaling magpatuloy pagkatapos madapa nang paulit-ulit - tulad ni Dezza na napapatanong na lang sa Maykapal kung bakit siya pinaparusahan nang ganun. At kahit ilang taon na siyang nagsisi, hindi pa rin siya magawang patahimikin ng nakaraan. Pakinggan ang kwento ni Dezza sa Barangay Love Stories.
Mon, 27 Feb 2023 - 1h 06min - 366 - Episode 312: "Love Letter" (Valentine Special)Mon, 20 Feb 2023 - 57min
- 365 - Episode 311: "Halik Sa Kamao"
Maraming kayang gawin ang isang tao para sa pag-ibig. Kagaya na lamang ni Girlie na na-convince ng kanyang boyfriend na iwan ang kanyang pamilya. Pero nang siya ay mabuntis, imbes na mas tumatag ang kanilang pagmamahalan, nagsimulang maging impyerno ang buhay ni Girlie. Pakinggan ang kwento ni Girlie sa Barangay Love Stories.
Mon, 13 Feb 2023 - 1h 17min - 364 - Episode 310: "Sustento"
Manggagamit. Ganyan ang tatay ni Jared. Kayang magpaikot ng mga tao at gagamitin kahit mismong anak niya makuha lamang ang mga luho niya. Pero dahil nga mahal siya ng nanay ni Jared, wala siyang magawa kun'di ang mamuhay kasama ang manggagamit nilang padre de pamilya. Pakinggan ang kwento ni Jared sa Barangay Love Stories.
Mon, 06 Feb 2023 - 1h 11min - 363 - Episode 309: "Happy Fiesta"
Galit si Mau sa mga kabit at ayaw niya sa mga taong nanghihimasok sa relasyon ng iba lalo pa kung may asawa at anak na ito. Pero nang siya na ang malagay sa ganoong sitwasyon, nasabi niyang mahirap pala talagang kumawala doon kahit pa kaibigan niya ang nagawan niya ng masamang bagay na iyun. Pakinggan ang kwento ni Mau sa Barangay Love Stories.
Mon, 30 Jan 2023 - 55min - 362 - Episode 308: "Oppa"Mon, 23 Jan 2023 - 58min
- 361 - Episode 307: "Crepe Paper"Mon, 16 Jan 2023 - 1h 14min
- 360 - Episode 306: "Sapalaran"
Mahilig sa sugal ang mommy ni Veron. Ayaw niya sanang tumigil sa pag-aaral pero dahil iyun ang gusto ng mommy niya sumunod na lang si Veron para magtrabaho sa Japan. 'Di nagtagal, siya ay nagkaroon din ng sariling pamilya pero nalaman niyang adik din sa sugal ang asawa niya at baon na pala sila sa utang. Pakinggan ang kwento ni Veron sa Barangay Love Stories.
Mon, 09 Jan 2023 - 1h 05min - 359 - Episode 305: "Sapi"
Hindi lang pagtuturo ng lessons ang naging hamon para kay teacher Reynald, pati na rin ang pagtulong sa estudyante niyang si Arthur na may depresyon at problema sa pamilya. Pero ang problema ni Arthur ay nangangailangan din ng matinding pananalig sa Diyos para masolusyunan. Pakinggan ang kwento ni Reynald sa Barangay Love Stories.
Mon, 02 Jan 2023 - 46min - 358 - Episode 304: "Hard To Get"
Babaero si Hansel at alam ng lahat iyun. Kaya naman iwas ang matigas na si Trish sa gustong manligaw na si Hansel. Pero dahil talagang pursigido, mapapasagot din ni Hansel ang dalaga. Sa kung hanggang kailan sila magtatagal, si Hansel lang ang nakakaalam. Pakinggan ang kwento ni Hansel sa Barangay Love Stories.
Mon, 26 Dec 2022 - 51min - 357 - Episode 303: "Loving Her"Mon, 19 Dec 2022 - 59min
- 356 - Episode 302: "Kaligta"
Kinder pa lamang si Celine ay crush niya na si Diego. Kaya nang maging sila nung siya ay 16 years old na, lubos talaga ang kaligayahan niya. Handa na si Celine at Diego na makasama ang isa't-isa habang buhay. Ngunit bigla siyang iniwan ni Diego at nang magbalik ito after more than 25 years, ang tanging naaalala nito ay ang mga panahon na magkasintahan pa sila. Pakinggan ang kwento ni Celine sa Barangay Love Stories.
Mon, 12 Dec 2022 - 1h 15min - 355 - Episode 301: "Kabutihan"
Masarap sa pakiramramdam ang makatulong sa kapwa. Kaya naman kahit maasikaso, pinili pa rin ni Allaine na maging volunteer para ibsan ang hirap ng mga nangangailangan. At habang abala siya sa paggawa ng mabuti, isang kahindik-hindik na trahedya pala ang makakasalubong niya. Pakinggan ang kwento ni Allaine sa Barangay Love Stories.
Mon, 05 Dec 2022 - 50min - 354 - Episode 300: "Manika ni Lola"
Bukod sa pangongolekta ng mga manika, ang lola ni Chichay ay ring isang Espiritista. At ang mga manikang pagmamay-ari nito ay hindi lang basta manika, dahil bawat isa rito ay may kwento. Hindi naniniwala sa mga kababalaghan si Chichay pero mukhang magbabago ang isip niya dahil sa kanyang lola. Pakinggan ang kwento ni Chichay sa Barangay Love Stories.
Mon, 28 Nov 2022 - 54min - 353 - Episode 299: "Pira-pirasong Puso"
Dahil kinahihiya niya ang kanyang ina, lumaking rebelde si Febs. Naging kabit ang nanay niya noon at ni hindi nga nito nila alam kung sino ang nakabuntis sa kanya. Sa kabila ng pagsusumikap ng nanay ni Febs, hindi naibsan ang pagkamuhi niya rito. At habang tumatanda siya, hindi niya namalayan na sumusunod na pala siya sa yapak ng taong kinamumuhian niya. Pakinggan ang kwento ni Febs sa Barangay Love Stories.
Mon, 21 Nov 2022 - 54min - 352 - Episode 298: "Obligasyon"
Hindi panganay si Nel pero dahil sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya, napilitan siyang kumayod nang maaga para matustusan ang pangangailangan nilang lahat. Kaya nang maging mag-asawa sila ni Marie, ang pamilya pa rin ni Nel ang laging nauuna. At dahil hindi pa magawang bumukod ng mag-asawa, kahit sumusobra na, sinusunod pa rin ni Marie ang biyenan niya at ang mapang-api niyang bilas. Pakinggan ang kwento ni Marie sa Barangay Love Stories.
Mon, 14 Nov 2022 - 1h 13min - 351 - Episode 297: "Insurance"
Kung kailan naka-move on at nagsisimula na ulit sa buhay si Diane mula sa trauma at panloloko sa kanya ng kanyang boyfriend for 8 years, ay saka naman siya kokontakin ng insurance agent ng ex niya. Ang dahilan ay para i-claim ang naiwang insurance money ng yumaong si Jeffrey. Wala naman sanang problema ito kay Diane kaso may ibang asawa at mga anak na ang cheater niyang ex. Pakinggan ang kwento ni Diane sa Barangay Love Stories.
Mon, 07 Nov 2022 - 1h 04min - 350 - Episode 296: "Sumpa" (Halloween Special 2022)
Sobrang kinilig si Jenna nang sa wakas ay magkaroon na siya ng nobyo. Pero laking gulat niya nang may magmakaawa sa kanya na makipaghiwalay na siya sa nobyo niya. May asawa na pala si Joe. Kahit na ganun, si Jenna pa rin ang pinili ni Joe kaya malakas ang loob ni Jenna tuwing lumalapit sa kanya ang misis nito. Sa sobrang galit, sumumpa ang asawa ni Joe na magiging impyerno ang buhay ng mga nagtaksil sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Jenna sa Barangay Love Stories.
Mon, 31 Oct 2022 - 1h 04min - 349 - Episode 295: "Kalunos-lunos"
Kahit na mahirap, buong puso ang pagtulong ni Yna sa ate niyang si Camille at sa anak nito. Naging sakitin si Camille matapos manganak kaya si Yna na ang bumuhay sa munti nilang pamilya. Sa kabila ng kanyang pagsusumikap, mararanasan niya ang isang nakagigimbal na pangyayari na magpapabago ng kanyang pagtrato ng mga tao sa paligid niya. At hindi lang siya ang makakaranas nito, pati na rin ang pinakamamahal niyang pamangkin. Pakinggan ang kwento ni Yna sa Barangay Love Stories.
Mon, 24 Oct 2022 - 1h 04min - 348 - Episode 294: "Sanggang Dikit"
Isang malaking kasiyahan para kay Gideon ang magkaroon ng kapatid na tulad ni Garrett. Para sa kanya, ang kuya Garret niya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Pero hindi pwedeng habang buhay makakasama niya ang best friend, protector, at number-one supporter niyang kuya. Pakinggan ang kwento ni Gideon sa Barangay Love Stories.
Mon, 17 Oct 2022 - 58min - 347 - Episode 293: "Putok Sa Buho"
Simula pagkabata, iba na ang trato kay Eryn ng kanyang ina. Galit, inis at pagkamuhi ang laging bumubungad sa kanya kapag ang nanay niya na ang kaharap niya. Sa murang edad, walang araw na hindi pinaramdam kay Eryn ang pagkasuklam ng kanyang kinilalang ina. Pakinggan ang kwento ni Eryn sa Barangay Love Stories.
Mon, 10 Oct 2022 - 54min - 346 - Episode 292: "First Heartbreak"
Alam ni Hana na ang buhay ay hindi madali kahit na maganda, mabait at matalino ka pa. Kaya naman nang na-reliaze niya na mahal niya na ang best friend niya, hindi niya magawang magtapat dito lalo na nung nalaman niyang may gusto na itong ligawan. Pakinggan ang kwento ni Hana sa Barangay Love Stories.
Mon, 03 Oct 2022 - 1h 10min - 345 - Episode 291: "Polygamy"
Kapag nagmamahal ang isang tao, kailangan ng lakas ng loob para maipagpatuloy ang pag-ibig na iyun. Pero ganun din sa paghihiwalay, matinding lakas ng loob at tapang ang kailangan para iwanan ang taong dahilan ng pagiging malungkot at miserable mo. Ngunit kahit na mahirap at nakakapagod, hindi pa rin magawang iwanan ni Angel ang taong nagdudulot ng sakit sa kanyang damdamin. Pakinggan ang kwento ni Angel sa Barangay Love Stories.
Mon, 26 Sep 2022 - 1h 00min - 344 - Episode 290: "Revelation"
May iba’t-ibang klase ng pag-ibig at hindi lahat ng ito ay dapat na pinaglalaban, lalo kung sa simula pa lang ay mali na ito. Dahil maagang naulila sa ama, kinailangan ng mama ni Josh at Aira na magtrabaho sa ibang lugar para matustusan ang kanilang pamilya. Dahil magkasamang lumaki, naging malapit nang husto ang magkapatid. At sa kanilang pagtanda, kasabay na umusbong ang pag-ibig ni Aira sa taong hindi pwede. Pakinggan ang kwento ni Aira sa Barangay Love Stories.
Mon, 19 Sep 2022 - 1h 00min - 343 - Episode 289: "Huwag Susuko"
Amang lasenggo at inang cheater, iyan ang mga magulang ni Mae. Dahil dito hindi naging madali ang buhay nilang magkakapatid lalo pa nang iwan sila ng kanilang mama sa kamay ng mapanakit nilang ama. Ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa at patuloy na lumaban sa buhay kahit pa aksidente siyang nabuntis ng kanyang kasintahan. Pakinggan ang kwento ni Mae sa Barangay Love Stories.
Mon, 12 Sep 2022 - 56min - 342 - Episode 288: "Milagro"
Ang isang anak ay kayaman ng mga magulang lalo na kung hirap magka anak ang mag-asawa. Kaya nang biyayaan ng sanggol sina Arceli at Domeng, abot langit ang tuwang kanilang nadama, lubos talaga nilang inaruga ang kanilang miracle baby. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay mapapahamak ang pinakamamahal nilang anak sa piling ng kanyang tiyuhin. Pakinggan ang kwento ni Arceli sa Barangay Love Stories.
Mon, 05 Sep 2022 - 1h 01min - 341 - Episode 287: "When Love Blooms"
Dahil mahirap ang buhay, focus lang sa pagtatrabaho ang flower shop vendor na si Dahlia. Gusto niya mang ma-experience din ang pag-ibig na nagpapasaya sa iba ay wala siyang panahon para dito. Pero nang ma-meet niya ang masungit na si Alec na ayaw sa mga bulaklak, 'di nila aakalain na may pag-ibig palang uusbong sa kanila. Pakinggan ang kwento ni Dahlia sa Barangay Love Stories.
Mon, 29 Aug 2022 - 1h 09min - 340 - Episode 286: "Hatol"
May mga tao na gagawin ang lahat magkaroon lamang sila ng anak. Pero may mga tao ring nagiging magulang kahit hindi pa sila handa. Pareho itong naranasan ni Elena at ng kanyang asawa. Ang batang binitawan nila noong hindi pa sila handa ay ang batang aasam-asamin pala nila sa kanilang pagtanda. Pakinggan ang kwento ni Elena sa Barangay Love Stories.
Mon, 22 Aug 2022 - 57min - 339 - Episode 285: "Heartthrob"
The typical-bookworm Lovelle meets the crush-ng-bayan Deo. Kahit hindi makapaniwala si Lovelle ay magsisimula ang kanilang love story. Malaki ang contribution ng looks sa confidence ng isang tao. Pero imporante rin ang assurance na pinaparamdam sa iyo ng mahal mo para maging confident ka sa sarili mo at sa relasyon niyo. Pakinggan ang kwento ni Lovelle sa Barangay Love Stories.
Mon, 15 Aug 2022 - 1h 06min - 338 - Episode 284: "Sagad"
Minsan, hindi natin hinahanap ang pag-ibig pero kusa itong dumarating. Ngunit hindi lahat ng pag-ibig ay totoo dahil ang iba ay gusto lang manggamit at manlinlang, katulad ng pag-ibig ni Lester kay Faye. Pero kahit na ganun, magagawa pa rin ni Faye na ipagpatuloy ang kanilang relasyon. Pakinggan ang kwento ni Faye sa Barangay Love Stories.
Mon, 08 Aug 2022 - 1h 01min - 337 - Episode 283: "Agwat"
Nang mamatay agad ang pinakamamahal na asawa ni Manuel, sinabi niyang hindi na siya muling magmamahal. Iyun ay hanggang sa makilala niya si Clara na madalas ding dumalaw sa puntod ng yumao nitong ama. Mahirap makipagrelasyon sa taong malayo ang agwat sa edad mo. Pero minsan, mahirap makipagrelasyon dahil hindi mo alam kung hanggang kailan kayo magkakasamang dalawa. Pakinggan ang kwento ni Manuel sa Barangay Love Stories.
Mon, 01 Aug 2022 - 59min - 336 - Episode 282: "Pagpag"
Marami ang mas naghirap dahil sa pandemya at isa dun sina Nida at Jojo. Matapos nilang mawalan ng trabaho, nanirahan sila sa kanilang tricycle at kumapit sa mga pagpag maitawid lanmang nila ang araw-araw. Bukod sa pagpag, kinaya rin ni Nida na kumapit sa isang gawain na labag sa kanyang kalooban. Para kay Nida, mas madaling sumuko kaysa lumaban pero ang mister niya, piniling ilaban silang dalawa. Pakinggan ang kwento ni Nida sa Barangay Love Stories.
Mon, 25 Jul 2022 - 50min - 335 - Episode 281: "Ikalimang Utos"
Malaki ang obligasyon ng mga magulang sa kanilang anak. Ngunit walang obligasyon ang anak sa kanilang mga magulang. Liban na lamang kung napalaki sa katuwiran ang anak, tiyak na hindi ito makakalimot na igalang, mahalin, at suportahan ang kanyang mga magulang katulad ng ginawa ni Bless sa kanyang nanay at tatay kahit may mga kapansanan na ito. Pakinggan ang kwento ni Bless sa Barangay Love Stories.
Mon, 18 Jul 2022 - 1h 12min - 334 - Episode 280: "Materialistic"
Nang biglang bawian ng buhay ang papa ni Karina, nahirapan ang kanyang mama na itaguyod siya dahil sa mga naiwang utang ng kanilang padre de pamilya. At nang hindi na makuha ni Karina ang dating karangyaan at 'pagmamahal' na nais niya sa piling ng kanyang mama, kay Anjo niya ito nahanap. Maganda naman ang naging simula nila ni Anjo pero magbabago ito sa pagdating ng tatay ni Anjo. Pakinggan ang kwento ni Karina sa Barangay Love Stories.
Mon, 11 Jul 2022 - 58min - 333 - Episode 279: "Pinagtagpo"
Ang gusto lang naman ni Marie ay magkapagtrabaho nang maayos at tahimik para makapagpadala ng pera sa kanyang pamilya. Pero simula nang makilala niya si Ryan, lagi siyang nasasangkot sa gulo. At ang mas kinaiinis pa niya ay may gusto raw sa kanya si Ryan kaya hindi siya nito tinatantanan. Pakinggan ang kwento ni Marie sa Barangay Love Stories.
Mon, 04 Jul 2022 - 56min
Podcasts similares a Barangay Love Stories
- El Partidazo de COPE COPE
- Herrera en COPE COPE
- The Dan Bongino Show Cumulus Podcast Network | Dan Bongino
- Es la Mañana de Federico esRadio
- Hondelatte Raconte - Christophe Hondelatte Europe 1
- Kwentong Takipsilim Pinoy Tagalog Horror Stories Podcast Kwentong Takipsilim
- Sitio Bangungot - Pinoy Horror Stories for Sleep Podcast Kwentong Takipsilim
- Raqi’s Secret Files Love Radio Manila
- Dear MOR MOR Entertainment
- Kwentong KaMORkada MOR Entertainment
- 財經一路發 News98
- La rosa de los vientos OndaCero
- Más de uno OndaCero
- L'Heure Du Crime RTL
- El Larguero SER Podcast
- Nadie Sabe Nada SER Podcast
- SER Historia SER Podcast
- Todo Concostrina SER Podcast
- KWENTONG KABABALAGHAN | DieEm Stories Sir Joseph
- Sleep Tight Stories - Bedtime Stories for Kids Sleep Tight Media
- Guni-Guni PH Tagalog Horror Stories Teri Gee
- 辛坊治郎 ズーム そこまで言うか! ニッポン放送
- 飯田浩司のOK! Cozy up! Podcast ニッポン放送
- 武田鉄矢・今朝の三枚おろし 文化放送PodcastQR